Courses in the Philippines
Categories Menu

Senior High School Contextualized Subject: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)



Ang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay isa sa mga contextualized subject ng senior high school curriculum. Ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na mapag-aaralan mo sa subject na ito ay kinabibilangan ng:

 

  • Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating akademik
  • Pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng:
    • Abstrak
    • Sintesis/buod
    • Bionote
    • Panukalang Proyekto
    • Talumpati
    • Katitikan ng pulong
    • Posisyong papel
    • Replektibong sanaysay
    • Agenda
    • Pictorial essay
    • Lakbay-sanaysay

 

Habang nag-aaral, maaatasan ka na ipakita kung ano ang iyong natutunan sa pamamamagitan ng pagsali sa mga class activity na maaring kabilangan ng mga sumusunod:

  • Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
  • Pagtukoy ng mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis
  • Pagsususulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik
  • Pagsunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
  • Paggawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o pangkatan) ng mga sulatin
  • Pagbuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik na naayon sa format at teknik

 

Ang mga halimbawa na ito ay sumasakop lamang sa mga contextualized subject. Para sa nasasakupan ng mga core at specialized na subject, mangyaring konsultahin ang sarili nilang mga listahan.

 

You may also be interested in



The contents of the comments section are the personal advice and opinions of their respective authors and do not necessarily reflect the views of courses.com.ph. We reserve the right to remove any materials that we consider to be malicious, inappropriate, or in violation of existing laws in the Philippines.

Post a Reply