Senior High School Contextualized Subject: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Isports)
Ang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Isports) ay isa sa mga contextualized subject ng senior high school curriculum. Ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na mapag-aaralan mo sa subject na ito ay kinabibilangan ng:
- Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating Pang-Isports
- Pagsulat ng piling anyo ng sulatin sa larangan ng isports
- Sanaysay ukol sa mga katawagan at ekspresyong pang-isports
- Rebyu ng episodyo ng Sports Channel
- Sanaysay ukol sa pangangalaga ng katawan at kalusugan
- Artikulong pang-isports (lathalain at / o sports analysis)
- Replektibong sanaysay ukol sa karanasang pang-isports
- Maikling saliksik sa kasaysayan ng iba’t ibang larong katutubo at banyaga
- Kritika ukol sa isang bagong likhang laro
- Sanaysay ukol sa proseso ng pagsasagawa ng isang anyo ng isports
- Kritika ukol sa rebyu ng sports analyst
Habang nag-aaral, maaatasan ka na ipakita kung ano ang iyong natutunan sa pamamamagitan ng pagsali sa mga class activity na maaring kabilangan ng mga sumusunod:
- Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating pang-isports
- Pagbibigay kahulugan sa mga terminong pang-isports na may kaugnayan sa piniling sulatin
- Nakasusulat ng 4-6 piling sulating pang-isports
- Pagsasagawa ng mga kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng piniling sulating pang-isports
- Pagpapaliwanag nang pasalita sa kahalagahan, kalikasan, at proseso ng piniling anyo ng sulating pang-isports
- Pagbuo ng isang pahayagang pang-isports na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng sulating isports
Ang mga halimbawa na ito ay sumasakop lamang sa mga contextualized subject. Para sa nasasakupan ng mga core at specialized na subject, mangyaring konsultahin ang sarili nilang mga listahan.